Wednesday, June 9, 2010

Paglalahad part 2

Ilang araw din kayong hindi nagpansinan ng anak mo. Ilang araw din na ang tingin mo sa kanya ay kalaban na nagpahamak sayo at naglubog sayo sa kahirapan. Tingin mo ngayon nagkamali ka ng desisyon na pag-aralin siya. Nagkamali ka sa desisyon na gumastos ng malaki para matapos nya ang kolehiyo. Tingin mo ngayon, nagkamali ka sa pagpapalaki mo sa anak mo. Tingin mo kasi, kung mas nabantayan mo ito ng mabuti, hindi magkakaganito. Tingin mo kasi lahat ng mga aktibista ay may mga walang silbing magulang kaya "napariwara" ang kanilang mga anak. Sinisisi mo ang sarili mo.

Hindi mawari ng anak mo kung magagalit sya sa mga pinagsasabi mo sa kanya o maaawa sayo. Maaawa dahil na din sa ka walang muwang mo sa mga tunay na estado ng lipunang kinabibilangan mo. Maaawa dahil kung gaano siya ka mulat ay ganun naman ka ignorante sa tunay na ikot ng mundo ang babaeng nagluwal sa kanya. Sinisi nya ang sarili nya... kung bakit ba hindi ka nya napaliwanagan... kung bakit di ka nya namulat. Paano nga naman nya imumulat ang ibang tao kung ang mga mas malapit nga sa kanya ay patuloy na nabubulag... o nagbubulag bulagan...

Mahigit isang buwan na na hindi pa din kayo nag-uusap. Isang buwan na din na di ka sa bahay nyo kumakaen kasi ayaw nang maghanda ng iyong ina para sa iyo. Sayang lang daw. Di mo naman daw naaappreciate.

Nabubuhay ka sa libre ng iba mong kasama o di kaya dun ka sa grupong nagpapatak patak. Sasabihin mo lang naman next time ka na pero pang limang next time mo na ata yun. Di ka naman pinapabayaan ng org mo. Yun nga lang, kung dati ay sa Jollibee o di kaya sa Mcdo ka kumakaen ng lunch mo ngayon ay kailangan mong pagtiisan ang kung ano man ang naabot bilhin ng pinatak ng grupo. Malamang tortang talong na naman ang kahahantungan noon.

Nalaman ito ng nanay mo, isang dosenang sumbat na naman ang sinala ng tenga mo. Kesyo, kung nagtrabaho ka sana at malaki ang sahod mo ay sa Cibo ka na kumakain o di kaya hindi ka parang sunog na daing kakabilad sa araw kasi airon yung office mo. Marahil di University Belt ang nilalakad mo lagi. Malamang nakikipagpatintiro ka sa lahat ng mga nagmamadaling maglakad dun sa Ayala Ave. Nakapolo-barong o di naman kaya naka-coat and tie, hindi kagaya ng suot mong 20 pesos na pantalon galing ukay at yang tshirt mong pula na tatlong beses isang linggo mo ata isuot.

Kasing bigat man ng monumento ni Chino Roces ang dalahin mo ngayon at sing talim man ng mga blades ng barb wires dun sa may Centro Escolar University ang mga pinagsasabi ng ina mo, di ka pa rin natitinag. Naisip mo.... Marahil tingin saken ng mga tao at ng mga magulang ko ay isang sira ulo. Isang sira ulong gustong patagin ang mga bundok.

Inamin mo sa sarili mo... oo, sira ulo nga ako... sira ulo ako sa mga mata na nakapikit, sa mga mata na pilit pinapaniwala yung sarili na aahon ang Pilipinas kahit ganito ang lipunan ngayon - mapagpanggap, mapang-api, nakakasakal, walang demokrasya, walang dangal.

Patuloy kang magpapakabaliw... at patuloy kang maghuhukay... upang maging patag ang mga bundok... isang araw, sabi mo... papatag din ang bundok na ito... makikita ko na rin ang araw... malapit na...

---ipagpapatuloy---

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete