Hindi naman talaga ganun ang nangyari sa akin. Yun nga lang, iyon ang nangyari sa iba kong kakilalang niyakap ang buhay aktibista. Teka nga lang, sino nga ba ako?
Ako si Rommel Pedrajas Depasucat, ngunit mas gusto ko ang pangalang Biboy Pedrajas. Bakit? Mas mahabang kwento at kailangan mo pang balikan ang araw ng kapanganakan ko. Mahaba yun.
Anyways, isa akong gradweyt ng Management Accounting na kurso sa University of Negros Occidental – Recoletos. Isang paaralang pinapamahalaan ng mga paring rekoleto... kagaya ng San Sebastian – Recoletos sa Manila.
Kung pinag-aralan ang pag-uusapan, graduate ako na may honor sa elementarya ng E. B. Magalona. Kumuha ng pagsusulit para makapasok sa Negros Occidental Science High School. Nakapasa naman sa lahat ng pagsusulit ngunit ang paaralang iyon ay hindi para sa akin talaga. Sinipa ako pagkatapos ng dalawang taong pamamalagi. Ang dahilan? 75 sa Math. Hindi naman ako tamad, hindi din naman ako mentally-challenged. Yun nga lang pag may nasasalihan, dun na ako at ayoko nang mag-aral. Marahil nga, katangahan din yun.
Lumipat ako sa E. B. Magalona National High School para ipagpatuloy ang pag-aaral. Third year na ako nun. Una kong naging adviser ang kaibigan ni mama nung high school. Hindi na kailangang mag extra effort, panigurado makakapasa ako. Nakapasa naman nga ang loko. Sumali sa kung anu ano. Naging Special Force ng CAT. Pagkatapos ng school year na yun, nagtraining magign officer ng CAT. Hamakin mo yun, naging major pa ako! Nakakatawa. Alpha Company Comander ang ungas. Nakasali din sa oration at extemporaneous contest. Pinalad naman at sa kakapalan ng mukha umabot hanggang provincial level. Tumakbong President ng Student Government, yun nga lang... nagpatalo... bakit? Mahal ko kasi kalaban ko nun... Ogag, tatakbo takbo para magpatalo... lokohan di ba?
Nakatapos ng high school na may honors ulit. Tuwang tuwa ang pamilya. May handaan. May kainan. May lechon at kung anu-ano pa. Maraming battery ang naasayang sa flash at madaming films ang kailangan ipadevelop pagkatapos nun. Ang gastos pala mag-aral, kahit na tapos ka na gastos pa din ulit.
Hindi pa man ako nakatapak sa stage nun ay kinausap na ng lolo ko si mama. Tinanong ako kung gusto ko ba raw talaga magign abogado. Sabi naman ni mama kay lolo ay ako ang tanungin kasi kung si mama naman daw ay gusto nyang maging nurse ako. Uso kasi nun ang nursing, ang daming nag-aabroad kasi nung mga time na yun. Naalala ko pa, Friday yun. Nakatanggap ako ng text galing kay mama. Hinahanap ako ni lolo. Nagulat naman ako. Talaga?! Hinahanap ako??? Bakit???
Dati rati naman kasi ay pumupunta ako kina lolo ay hanggang “bless” (mano) at hello lang ang usapan namin. Pag sa labas kami nagkiktia, kaway at ngiti lang. Sa makatuwid, hindi kami close. At ngayon pinatatawag at gusto akong makausap? Anong masamang hangin ang umihip?
Pumunta ako kina lolo na nanginginig. Salubungin ka ba naman ng 5 asong parang doberman ang laki, di ka mangingig? Sinamahan din ako ni papa nung time na yun. May pagmamadali sa part ko, may report pa ako sa Araling Panlipunan sa hapong din iyon. 1pm.
Andun na nga sya, nakaupo sa may parang headquarters ng kampanya ng tito ko bilang Vice Mayor. Walang ibang tao, kamign tatlo lang. At sunod sunod ang tanong...
Gusto mo bang magLaw?
Gusto mo bang maging abogado katulad ko?
Gusto mo bang dito na tumira?
Gusto mo bang dito ka na lang sa akin?
Nakakagulat. Nagulantang ako. Di ko inaasahan lahat ng iyon. Ngunit gayun paman, nakasagot ako...
Oo gusto kong maging abogado. Gusto ko pong magoing katulad nyo lolo.
Ngumiti ang matanda. Pers time kung nakita yun. Yung ngiti na totoo. Yung ngiti na natutuwa sya at hindi lang ngiti kasi botante ka. Yung ngiti kagaya nung pag may sinasalubong kang paparating na kapamilya. Yun yung ngiting yun.
Oo, si lolo ang idol ko kung maitatanong nyo. Isang sikat na abogado. Hindi lamang sa E. B. Magalona. Kung hindi pati sa buong Negros Occidental. Naging Integrated BAR of the Philippines Negros Chapter President sya nung kabataan nya at mahigit 10 years na nagturo sa University of Negros Occidental – Recoletos Law School. Halos lahat ng kaso ay naipanalo at naging headline sa mga dyaryo.
Simpatiko. Mahal sya ng tao. Kahit walang pambayad tinutulungan nya. At ayun, bumabaha ng kung anu anong gulay sa bahay kapalit nung walang bayad nyang pagtulong sa mga mahihirap. Kamukha nya si Raul Roco, yung dating DepEd Secretary. Kaibigan nya din ito. Dati nga nung pumunta si Roco sa bahay napagkamalan ko syang si lolo eh, tinakbuhan ko at nag”bless” ako. Nagulat naman yung isa. Hanggang sa umuwi ako akala ko si lolo talaga yun, si papa na lang nagsabi sa akin sa si Raul Roco pala yun.
After ng usapang yun, subrang saya ko. Subrang saya na kahit late na ng dumating sa school at late sa reporting ay nakangiti pa din. Pinagalitan ako ni Ma'am Tortusa nun. Sinabi ko naman sa kanya yung dahilan bakit ako na late... natuwa ang buong klase para sa akin. Natuwa ang titser ko sa narinig, madadagdagan na naman daw and Depasucat na abogado. Natuwa din naman ako. Siakt ako sa buong campus nung araw na yun. Pinag uusapan ng mga guro at kung sinu-sino pa. Sabi pa nga ng iba pagnakapatay daw sial o di kaya nakarape ay ako daw ang kukunin nilang abogado. Ewan ko bakit, natuwa ako.
Pagkatapos na agkatapos ng graduation ay lumipat na ako ng bahay. Mula sa isang informal settlement sa Brgy. III poblacion na tinatawag dito sa E. B. Magalona na Little Tondo ay lumipat sa isang 3 floors na bahay. Kung dun kina mama ay linoleum lamang ang tinatakip sa sahig para maging presentable dito naman ay tiles. Pati na nga yung pader may tiles eh. At ang gagara ng kurtina. Yung tipong may drapes at tassle. Kung dati ang service ko ay pedicab, ngayon ay Honda Civic na.
Malaki ang naging agwat ng pamumuhay nina mama sa pamumuhay nina lolo. Maaga kasing nag-asawa at nagka-anak (ako iyon!) ang parents ko kaya hidni napaghandaan. Nag-aaral pa nga nun ng education si mama sa Colegio de San Agustin nugn nabuntis sya eh. Hindi naman kami naghihirap, hindi naman din subrang yaman. Yung tama lang talaga, yung may makakain na sapt na pagkain bawat araw. May sarilign bahay kahit hindi amin yung lupa. May mga appliances din naman. Simpleng pamumuhay na wala nugn karangyaan na naranasan ko nung lumipat na ako kay lolo.
Sunday, June 20, 2010
Wednesday, June 9, 2010
Paglalahad part 2
Ilang araw din kayong hindi nagpansinan ng anak mo. Ilang araw din na ang tingin mo sa kanya ay kalaban na nagpahamak sayo at naglubog sayo sa kahirapan. Tingin mo ngayon nagkamali ka ng desisyon na pag-aralin siya. Nagkamali ka sa desisyon na gumastos ng malaki para matapos nya ang kolehiyo. Tingin mo ngayon, nagkamali ka sa pagpapalaki mo sa anak mo. Tingin mo kasi, kung mas nabantayan mo ito ng mabuti, hindi magkakaganito. Tingin mo kasi lahat ng mga aktibista ay may mga walang silbing magulang kaya "napariwara" ang kanilang mga anak. Sinisisi mo ang sarili mo.
Hindi mawari ng anak mo kung magagalit sya sa mga pinagsasabi mo sa kanya o maaawa sayo. Maaawa dahil na din sa ka walang muwang mo sa mga tunay na estado ng lipunang kinabibilangan mo. Maaawa dahil kung gaano siya ka mulat ay ganun naman ka ignorante sa tunay na ikot ng mundo ang babaeng nagluwal sa kanya. Sinisi nya ang sarili nya... kung bakit ba hindi ka nya napaliwanagan... kung bakit di ka nya namulat. Paano nga naman nya imumulat ang ibang tao kung ang mga mas malapit nga sa kanya ay patuloy na nabubulag... o nagbubulag bulagan...
Mahigit isang buwan na na hindi pa din kayo nag-uusap. Isang buwan na din na di ka sa bahay nyo kumakaen kasi ayaw nang maghanda ng iyong ina para sa iyo. Sayang lang daw. Di mo naman daw naaappreciate.
Nabubuhay ka sa libre ng iba mong kasama o di kaya dun ka sa grupong nagpapatak patak. Sasabihin mo lang naman next time ka na pero pang limang next time mo na ata yun. Di ka naman pinapabayaan ng org mo. Yun nga lang, kung dati ay sa Jollibee o di kaya sa Mcdo ka kumakaen ng lunch mo ngayon ay kailangan mong pagtiisan ang kung ano man ang naabot bilhin ng pinatak ng grupo. Malamang tortang talong na naman ang kahahantungan noon.
Nalaman ito ng nanay mo, isang dosenang sumbat na naman ang sinala ng tenga mo. Kesyo, kung nagtrabaho ka sana at malaki ang sahod mo ay sa Cibo ka na kumakain o di kaya hindi ka parang sunog na daing kakabilad sa araw kasi airon yung office mo. Marahil di University Belt ang nilalakad mo lagi. Malamang nakikipagpatintiro ka sa lahat ng mga nagmamadaling maglakad dun sa Ayala Ave. Nakapolo-barong o di naman kaya naka-coat and tie, hindi kagaya ng suot mong 20 pesos na pantalon galing ukay at yang tshirt mong pula na tatlong beses isang linggo mo ata isuot.
Kasing bigat man ng monumento ni Chino Roces ang dalahin mo ngayon at sing talim man ng mga blades ng barb wires dun sa may Centro Escolar University ang mga pinagsasabi ng ina mo, di ka pa rin natitinag. Naisip mo.... Marahil tingin saken ng mga tao at ng mga magulang ko ay isang sira ulo. Isang sira ulong gustong patagin ang mga bundok.
Inamin mo sa sarili mo... oo, sira ulo nga ako... sira ulo ako sa mga mata na nakapikit, sa mga mata na pilit pinapaniwala yung sarili na aahon ang Pilipinas kahit ganito ang lipunan ngayon - mapagpanggap, mapang-api, nakakasakal, walang demokrasya, walang dangal.
Patuloy kang magpapakabaliw... at patuloy kang maghuhukay... upang maging patag ang mga bundok... isang araw, sabi mo... papatag din ang bundok na ito... makikita ko na rin ang araw... malapit na...
---ipagpapatuloy---

Subscribe to:
Posts (Atom)